Seph
April 24, 2015 4:50 pm
Hindi ko alam kung mababasa mo 'to, pero ito 'yung mga gusto kong sabihin ngayon kasi hindi mawala sa isip ko. Few days ago, sinabi ko sayo ang mga gusto kong sabihin kasi gusto ko malaman mo ang nararamdaman ko sa mga nangyayari. Nalulungkot ako at minsan naguguluhan. Siguro masyado akong naghangad na makasama ka kahit alam kong nakalaan na ang oras mo sa ibang mga tao. Masyado akong makulit at pinipilit na baka sakaling makasama ka kahit ilang oras.
Masyado lang siguro ako natuwa kasi naging close friends talaga tayo. Sa pagkagusto ko magkaroon ng bonding sayo ay nagkaganito tayo ngayon. Hindi nag-uusap at hindi nagpapansinan. Nalulungkot ako sa nangyayari sa atin.
Minsan iniisip ko na kokonti na lang 'yung oras na makakasama kita talaga. Tanda mo pa ba nung tinanong kita na kung gusto mo ko makasama sa travel? Ang sagot mo nun ay "Siguro..". Hindi pa talaga tayo nagkaroon ng isang bonding na tayo lang. 'Yung magiging komportable tayo sa isa't isa, 'yung bestfriends talaga. Ngayong nagkaroon ka na ng mga bagong kaibigan at magkaroon ng panibagong relasyon sa mga darating ng panahon. Feeling ko hindi na mangyayari ang mga iniisip ko sana magagawa natin.
Sorry kung selfish ako sa laging pagyaya ko sayo kahit minsan ayaw mo na, napapansin at nararamdaman ko naman. Hindi ko kasi maiwasan na isipin na baka sakaling sa "huli" kong pagyaya ay papayag ka. Pero, tatanggapin ko na lang ngayon na siguro nga ayaw mo lang talaga.
Kahit anong mangyari, hindi kita iiwanan o hahayaan mahirapan sa kung anong mga bagay kahit sa mga panahon na hindi tayo okay o magkalayo. Gagawa ako lagi ng paraan para sayo, bestfriend. Hindi man ako ganun kaperpektong kaibigan, gagawin ko ang buong kaya ko. Nandito pa rin ako para sayo, kailangan mo o hindi.
Sorry if nagkaganito tayo ngayon, hindi nag-uusap. If may nasabi man akong mali o nagawa. I'm so sorry.
Ang hirap, hindi ako mapakali lagi.
Bati na tayo, please? Miss na kita.